
Do you Yahoo!?
Read only the mail you want - Yahoo! Mail SpamGuard.

naniniwala ba kayo na magkakatotoo ang wish ninyo kung mabuo ninyo ang siyam na araw ng simbang gabi?
kung totoo iyon, hindi na pala magkakatotoo ang aking wish sapagkat hindi ko naman nasimulan ang simbang gabi. sigh.
oh well..
okey lang, nakapag-serve naman ako noong ikalawang araw. =)
ang daming nagsisimba sa Gesu para sa simbang gabi. nakakatuwa iyong mga magkaka-barkada na talagang hinihintay ang 20.30hrs para makapagsimba. iyong mga iba ay nagdadala pa ng mga banig dahil talagang punung-puno ang simbahan, at wala nang maupuan. pero sana nagsisimba talaga sila, dahil napansin ko na iyong iba ay nagdadaldalan lamang at hindi naman talaga isinasa-puso ang Pilipinong tradisyon na ito. tandaan natin na isinasagawa natin ito para maihanda ang ating mga sarili sa pagdating ni Jesus Christ.
ilang gising na lamang, at Pasko na.
handa ka na ba?