Tuesday, May 29, 2007

kwentong reco

Tuesday, May 29, 2007
Kahapon ang reco ng mga ANI kids. Dahil wala naman na akong practicum, pumunta ako para tumulong. Sabi lang sa akin ni Johndi na partner raw kami na mag-emcee sa 3D at 3E, kakanta lang kami ng ice breaker song, at magpapakilala ng mga magsasalita, parang ganon. Kumbaga, kami ang in charge sa flow ng segment na iyon.

Nagkita kami ni Johndi ng 930am sa CMO (dahil nandoon ang gitara ko na gagamitin namin). Kailangan ko pa ituro sa kanya ang actions at ang kanta mismo na gagamitin namin bilang icebreaker song. Naisipan namin na sa doghouse na lamang manatili para may upuan na rin. Pinarinig ko muna sa kanya ang kanta. Nang sabi niya na ok na, siya naman ang pinaggitara ko, pero 'di niya pa ma-gets so sabi ko ako na muna maggigitara habang sinasaulo niya ang actions. Pumayag naman siya dahil sanay naman siya mag-actions gawa nang ENTA siya. :) HAHAHA. Ang saya niya panoorin kasi masyadong effort ang nilalagay niya. Di ko pa rin sigurado hanggang ngayon kung seryoso yun, o umaarte lang siya (eh ENTA nga eh)na ganon. Anyway. Nang datnan kami ni Chico roon na nagkakantahan, tinanong niya kung kami ba raw ang kakanta sa Misa. Hindi naman ako maka-"hindi" kaya napasubo kami. Pumunta ulit akong CMO para humiram ng Bayan Umawit at nagsimula na kaming mag-practice ni kuya Johndi. Namili kami ng mga alam naming tugtugin para sa Misa, at sinubukang tumugtog. We didn't join Advanced Liturgical Guitar for nothing! HAHAHA. Sabi nga namin, "May mga taong magaling maggitara, pero nahihiya namang tumugtog. Kami ang mga hindi marunong maggitara pero makapal ang mukha." O 'diba? San ka pa?

Iniwan ko na muna siya sa doghouse para mag-set up ng mga gagamitin para sa Misa (hehe, marunong pa ako yay). Ang iingay ng mga bata nang nasa Escaler na, kaya sinabihan ko si Chico na patahimikin na sila. Grabe, ang galing ni Chico. Kinuha niya yung gitara ko, tapos sabi niya sa mga bata, "Nakikita niyo ba itong gitara?" Sumagot ang mga estudyante, "Opo." Sa puntong iyon tahimik nang nakatingin ang mga estudyante namin sa gitara. "Ayan, ngayong nakuha ko na ang atensyon ninyo..." grabe! Ang galing talaga ng ginawa niya. Alam niyo ba kung ano nangyari sa "choir" namin? A cappella ang: Purihin ang Panginoon, Paghahandog, at Awit ng Paghahangad. Si Johndi ang tumugtog ng Seek Ye First. Ako ang tumugtog ng Kordero. Haha. O diba? Sikat na tuloy kami sa mga bata.

Binago ang mga plano kaya sa Escaler pa rin ang mga handle naming section. Nagkaroon kami ng Mass Deepening Seminar, at ito ay ibinigay ni Bro. RJ (JR?). Ang galing niya, nakuha niya ang atensyon ng mga bata. :) Hmm, medyo pasaway kami nina Johndi at Mara (Llanera) dahil hindi kami nakikinig. Naglalaro lang kami ng Geoparty (rip-off ng Jeopardy) sa laptop ko. Haha. Ang hyper ni Mara, eh nasa harap pa naman kami (oo, as in sa harap kasi ang laptop ko ang naka-connect sa audio para sa ginamit na introduction ni Bro.) Hahaha. Pero ayun, may mga natutuhan pa rin akong bago ha. Hehe.

Pagkatapos ng Mass Deepening, kinailangan nang lumipat ng sections namin sa CTC. Hindi pa naman ako kasali sa activity nila kaya pumunta muna ako kay Sir Land para magtanong tungkol sa mga gagawin ko sa office. Dahil konti lang naman ang pinag-usapan namin ni Sir, bumalik na ako sa Faura-AVR para i-set up ang laptop ko para sa video na ipapakita. Mga 330-340 pa raw babalik ang 3D at 3E sa Faura kaya nagkulitan muna kami ni Johndi. Pinakita ko sa kanya ang mga "videos" na ginawa ko (kasi tapos na niyang ipakita sa akin ang mga videos na ginawa niya--yung videos na panonoorin ng mga ANI kids). Anyway, kung anu-ano nalang ang ginawa namin--nagpractice para sa icebreaker song, pinagtripan ang powerpoint, nag-asaran, etc. Hehe. Sa wakas dumating na rin ang mga bata, kaya sila naman ang kinulit namin. Hahaha! Nang makakain na ang lahat, nagpakilala kaming dalawa sa mga bata. Alam nilang Jasmine ang pangalan ko (dahil sa Mass Deepening Seminar), kaya naman sabi ni Johndi na siya si Travis (cf ABS-CBN's Sana Maulit Muli). Nyak. Hahaha. Ang baduy nung joke, pero in fairness (yuck ano ba?) kinilig ang mga bata. Hahaha. Pinakita namin ang video, at grabe ang ingay nila! Haha. Oh well, iniisip ko tuloy kung ganon ako nung HS.. Nevermind. Si Joy at si Pau ang nag-share sa grupo tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagiging teachers ng CL. Natuwa ako kay Pau kasi ang laki na ng pinagbago niya. :) Yay. Proud Ate Jaymee naman ako. :) Dahil kulang ng facis, humawak na rin kami ni kuya Johndi ng dalawang grupo para sa pangwakas na pagbabahaginan ng mga bata. ♥ Yay. Grabe, ang tagal ko nang hindi ginagawa ito, at natuwa naman ako (kahit na ang dami ko nang gasgas. :( Pero 'yun. Di ko malarawan ang nangyayaring AHA moments sa mga group sharing na hinahawakan ko. Ayun. :)

Matapos ang reco, binalik muna namin ang mga gamit kanina Chico at nag-usap-usap na rin para sa mga huling bilin. May processing session daw sa Biyernes--ako raw ang mag-faci. Haha. Ganon? Haha. Ok lang actually. :) Yay. Nag-insist si kuya Johndi na ihahatid daw niya ako pauwi dahil ang dami ng dala ko. Haha. Siyempre nahiya naman ako, ang layo ng bahay ko sa bahay niya no.. Pero yun, naglakad kami hanggang LRT, nag-tren hanggang Pureza at nag-jeep hanggang Gonzales. Todo bonding sa halos isang oras na biyahe, conversation ranging from: inaantok, practicum matters, Neocolors, Jamie Rivera, Jimmy Antiporda, Hold On by Neocolors, cassette tapes, lansangan, lrt cards, kabaklaan, pagkakaroon ng apo, dinner, glutaphos, kakiligan sa jeep while singing Sandalan with a guy I don't know (what?), ulan, payong, timing ng mga kanta, You'll be Safe Here, mga kapatid, all boys, katulong at kasambahay, ay nako marami pang iba! :) Hindi ko na siya pinayagang ihatid ako hanggang bahay kasi matatagalan pa siya umuwi, kaya pagtawid sa L. Cruz ay pinasakay ko na siya ng jeep. Ayun. :) Mga pagkatapos ng isang oras tinext ko siya para magpasalamat at para sabihing may 1M pogi points siya. HAHAHA. Sabi niya na he's just doing his duty, the boy scout way. Haha. :)


Ayun, ang haba ng entry. Sa Friday na ulit ako makakapag-ANI dahil ako ang taong-bahay sa DS Department ngayon. May advisements na ba kayo? :)

“We have put aside everything to follow you”

John Henry Cardinal Newman (1801-1890), Priest, Founder of a religious community, Theologian
PPS, vol. 8, no. 2 “Divine Calls”


In truth we are not called once only, but many times; all through our life Christ is calling us. He called us first in Baptism; but afterwards also; whether we obey His voice or not, He graciously calls us still. If we fall from our Baptism, He calls us to repent; if we are striving to fulfil our calling, He calls us on from grace to grace, and from holiness to holiness, while life is given us.

Abraham was called from his home (Gn 12:1), Peter from his nets (Mt 4:18), Matthew from his office (Mt 9:9), Elisha from his farm (1 K 19:19), Nathanael from his retreat (Jn 1:47); we are all in course of calling, on and on, from one thing to another, having no resting-place, but mounting towards our eternal rest, and obeying one command only to have another put upon us.

He calls us again and again, in order to justify us again and again, - and again and again, and more and more, to sanctify and glorify us. It were well if we understood this; but we are slow to master the great truth, that Christ is, as it were, walking among us, and by His hand, or eye, or voice, bidding us follow Him. We do not understand that His call is a thing which takes place now. We think it took place in the Apostles' days; but we do not believe in it, we do not look out for it in our own case.

Sunday, May 27, 2007

office assistant

Sunday, May 27, 2007
note: hindi si clippit ha. hehe. :)

Guess what, I have a "third practicum," this time working for my home department. Hehe. Our office assistant needs to rest for awhile, so I'll be anchoring the office until she's around again.

Ayun. Pero at least nasa school naman na ako ulit. Kahit na busy pa rin, familiar grounds naman na ulit. :) Na-miss ko ang ateneo eh. hehe. :)


Yun lang. excited na ako para sa Reco bukas. :)



no words.

Pentecost Sunday

Happy Birthday sa mahal kong Simbahan. :)

Saturday, May 26, 2007

Loser ako

Saturday, May 26, 2007
sa pagsusulat ng mga academic papers ko. :( As in. Hindi nanggaling sa akin ang remark.

There I go. Ang loser ko talaga sa lahat ng bagay.

Friday, May 25, 2007

sweet

Friday, May 25, 2007
I saw Ate Dulce today! :) Grabe I missed her. She's so pretty. :)
We'll tour the campus when we're both free. :)

HP 900 Inkjet Printer



I like! ♥
Pero 'di ko sure kung compatible sa iBook G4 ko.
Investment ito.

love

Do you remember the saying "everything is relative"? Well, love is not, unfortunately, excused from that. Love is also "relative"--by this I mean that the way I love may not be the way you love. I may sometimes get frustrated because you do not love me the "way" I do, and I do not see or understand your own way of loving me. What's important is on our own parts we know that in our hearts we give out our love to the best that we can.




Ay labo. Pero sobrang seryoso 'yan.

Thursday, May 24, 2007

oh well

Thursday, May 24, 2007
I know I shouldn't be burning bridges, but sometimes the bridge just leads to a painful past. So there, I'm gonna try to forget now.

15 units

Ito ang itsura ng first semester ko sa huling taon ko sa Ateneo:

I have 15 units, divided into two core subjects and 2 Majors (well, one is free elective but I still chose a DS subject because it would be really helpful for you know what), and Thesis:

DS135.2 A Special Topics in DevMan: Social Entrepreneurship M 1800-2100 CTC303 Rapisura, Mariel Vincent A.
DS135.21 A Special Topics in DevMan: Social Innovations Seminar I (Thesis) W 1800-2100 CTC204 Keh, Harvey S.
ES165 A Intro to Environmental Health and Safety F 1800-2100 SecC201 Espiritu, Emilyn Q., Marquez, Norman Dennis E.
TH151 K The Catholic Commitment of Today's Filipino: A Synthesis T-TH 1500-1630 B206 Olin, Xavier L.
PH103 B Philosophy of Religion T-TH 0900-1030 G304 Clamor, Arnella Francis D.

-

Buti nalang di ako masyadong atat mag-enlist. :)
Ngayong umaga walang ka-effort-effort ang dali lang mag-enlist. Five subjects for 40 minutes. True, naubusan ako ng Sir Dy-Liacco (hehe, recommended by Mom), pero ok lang yun. post ko mamaya sched ko.

Wednesday, May 23, 2007

walking stick

Wednesday, May 23, 2007


See the mud on my clothes? :)
I'll kwento after I write my paper.

Monday, May 21, 2007

i'm off to

Monday, May 21, 2007
Gala, Subic Zambales for a three-day immersion. :)

See you soon after that.



p.s. true love is really effortful haha. :) ang hirap ha. pero oh well. :)

Sunday, May 20, 2007

parang june 15 ah.

Sunday, May 20, 2007
My breaks for my senior year would be filled with area visits, getting data from the field, talking with stakeholders, writing proposals, consulting with my adviser, building management plans, calling up funding instis, probably crying because of the workload and the deadlines and the failures and successes (and more reasons), building networks, trying not to burn bridges, doing research from the library and the net, texting my contact persons for the project, presenting to the stakeholders, brainstorming ideas, mobilizing resources, struggling with the project cyle (!!!), and I don't know anymore what..

Wow. That's thesis.


So, hello senior year.
Hello ACGC prod staff, ANI, DevSoc HR Executive, ESS (?), SIGNS.

Saturday, May 19, 2007

Thesis

Saturday, May 19, 2007
I talked with Sir after our "class" and he said that my topic was ok. He asked if I would want to implement the EMP (Environmental Management Plan), and after thinking about it and discussing it with Guita, I told him that I would implement it. It wouldn't be a comprehensive EMP tho, because a year would be such a short time for that. Somebody did a SWMP last year, but it was not successful. I do not know yet what aspect I'll be doing, so I would have to conduct a needs assessment first. So with the change in topic, my new thesis adviser now is Sir Harvey.

I'm excited already, but I'm also nervous at the same time. Project cycle! Haha, I need to research ASAP about EMP. As soon as I submit my second practicum paper, I'll have to do my research. Yay. But you know what I like best about this thesis? It has less academic paper work. haha. :)

--

Wala pa akong ANI shirt! Boo.
Miss ko na talaga ang ANI. :(

Ay, para lamang malaman ng lahat, hindi ako ang gumawa ng ANI shirt design. Si Wil po yun, tinawag lang niyang "Jaymee's Design" :) Hehe. Basta. Ang cute kanina ang daming naka-ANI shirt sa library kanina. :)

-

have been disconnected for quite a while.

I have a thesis topic in mind, will consult with Sir today. :) Yay, may pinagpipilian akong dalawang area na pag-aaralan ko. Gabaldon (c/o ms.jill, DS alumni) or Payatas (c/o idol kong si mel). Tsaka na ako magkekwento (haha, parang wala rin namang may gusto makinig eh, boo. haha para lang akong sirang plaka nung nakahanap na ako ng area. haha, basta.)


Excited for field visit on Monday - Wednesday. :) 3 days at Gala, Zambales. Community :)

Monday, May 14, 2007

Pilipinas, Eleksyon Na!

Monday, May 14, 2007
May tanong ka ba?
Tumawag lamang sa 10149.

Libre ito kahit na nasa probinsya ka pa*.




*Para sa PLDT lamang.

Sunday, May 13, 2007

Prayer Of Rupert Mayer

Sunday, May 13, 2007
music by: Manoling Francisco, SJ

Lord, what You will let it be so
Where You will there we will go
What is Your will help us to know

Lord, when You will the time is right
In You there's joy in strife
For Your will I'll give my life

To ease Your burden brings no pain
To forego all for You is gain
As long as I in You remain

REFRAIN:
Because You will it, it is best
Because You will it, we are blest
Till in Your hands our hearts find rest
Till in Your hands our hearts find rest



june 15th will have to wait for a few years

courses

naalala ko itong memory na ito dahil patapos na ako sa aking sideline encoding job for Sir Land--

nung freshman ako, nung lit pa ako, may Lit Welcoming Party kung saan aattend ang mga freshman para magkakila-kilala ang mga Lit majors (hello block b of all batches!). Pinagusapan namin non ang mga bloopers sa kung ano ang akala ng ibang tao ang "Lit Eng." Panalo ang: Literary Engineering.


:) yay for happy memories.

Friday, May 11, 2007

mother and child

Friday, May 11, 2007


Hindi ba't kay sarap hagkan ni bunso na hindi muna iniisip kung paano pakakanin ang susunod?





To learn more about the photo above (especially the beads the child is holding), leave a message.

area!

may bago akong hobby--kumuha ng litrato sa area. ang saya! :) punta nalang kayo sa multiply ko para makita niyo.

Happy Birthday

ate Jaye! :)

Yay. Yun lang actually. hehe. :) Tanda mo na! :)

Thursday, May 10, 2007

the past months

Thursday, May 10, 2007
my life has been revolving around them. And I have felt that I belong. I have felt that this is where I should be. I am happy, even if I still do not understand a lot of things. I am happy, even if I still feel depressed about the things that I cannot tap into. The things that should not be. The things that should be run over by change which for now I still yet do not know where to find.

My life is content here. I have found a home.




But has my heart agreed yet?

buhay

This is not sustainable.

John 15,9-11

As the Father loves me, so I also love you. Remain in my love. If you keep my commandments, you will remain in my love, just as I have kept my Father's commandments and remain in his love. I have told you this so that my joy may be in you and your joy may be complete.

yay

excited na si (ate) Victa sa mission area niya. :) ang galing, magtuturo siya ng english! (haha, may naalala ako). :) haha, yun lang, na-excite ako kasi may iniisip ako kahapon tapos pagbukas ko ng y!m ko ngayon yun ang message. :)

:)

Monday, May 07, 2007

practicum

Monday, May 07, 2007
Kanina nagsimula ang ikalawang practicum ko. Oo, ikalawa na. Ngayon palang ako magsusulat.

Natapos ako sa Tabang Mindanaw, isang programa ng Assisi Development Foundation noon Biyernes. Noong gabi ng last day ko, lumabas kami ng mga ka-opisina kong yuppies. :) Kumain kami ng dinner sa Robinsons, tapos nag-ice cream (libre ko) sa Arce stand. Tapos donuts na libre ni Kuya Jasper (well, dalawa lang naman, yung mga boys lang kumain kasi busog na talaga kami). Dahil sobrang bonding night, sinamahan pa namin si Jed sa kanyang house hunting. Biruin mo nakarating kaming Kapasigan. Nakakatuwa yung taxi driver sabi niya, "mukhang magkakahiwa-hiwalay na kayo ah," kasi yun nga, ang ingay namin, puro kwento, tapos kuha nang kuha ng litrato. Tapos sagot naman si Sherwin na "oo nga po, ayan si Jaymee pupunta na 'yang Australia." Haha, sana nga. Isang taon pa yun, at yun e kung matanggap ako. Nang makarating kami sa Kapasigan, biruin mo sumakay pa kami ng tricycle. Ilan kami? Anim kami sa tricycle. Astig. Matapos ang house hunting, nakasakay kami sa FX na talaga namang pauwi na. Buti nalang mabait si manong at ibinaba pa kami sa Megamall. Ang galing. Dahil mag-mi-meeting pa raw tungkol sa bahay, nag-Timezone pa kami. Dance Mania at Videoke ang pinatulan namin. Ang saya ko non grabe. :) Sinarhan na kami ng Timezone. As in. May kwento pa yun pero tinatamad na ako. Anyway, 1130 ako sinundo. Nagpasundo ako kasi inaantok na ako hehe. :) Tsaka pagod na ako, ang haba nung araw, eh kailangan ko nang matulog dahil may blood test pa ako the day after non.

Tsaka na ako magpost ng pictutres. :) (okay Kuya Jasper?)

Ang ikalawang practicum site ko ay sa Foundation of Our Lady of Peace Mission, Inc. (FOLPMI) sa Paranaque (malapit sa coastal). Yay, actual project management ito. Gagawa ako ng mga project proposal. Tapos pupunta rin daw kami sa actual sites non para mas maintindihan ko (tho sa Zambales lang ata, at di sa Bukidnon muna, sa susunod nalang, less than three weeks lang kasi ako). Excited na ako gumawa ng logframe, gantt chart and everything. :)

Sige matutulog na ako. Malayo ang Paranaque eh.

Thursday, May 03, 2007

wow

Thursday, May 03, 2007
there's such a thing as "Presidential Council for Values Formation"? Astig. Ultimate dream ko magtrabaho sa values formation. :)

will miss people

Last day ko na bukas sa ADF. Sa maiksing pananatili ko roon, napalapit na ako sa mga tao roon. Mami-miss ko sila. :)

Yun lang. :)

Tuesday, May 01, 2007

haha

Tuesday, May 01, 2007
Para akong super hero, may "kuryente" sa mga daliri ko.
HAHAHAHAHAHA.

pero sana mawala na ito. :(