yum! mayroon akong bagong nadiskubring pag-tripan na pagkain.. mainit na kanin at keso.. haay, heben pare! :) LOL.. grabe, nakakaadik talaga! ang sarap! iyon ang kinain ko ngayong hapunan.. na-bore kasi ako sa adobong manok (though masarap siya ha!, i just needed some vareity! haha, arte!) sarap! :)
haaay, nakakataba naman ng puso.. ako'y nag-blog hopping kanina, at isa sa mga napuntahan ko ay ang kay (ate) tish, ang aking minamahal na INTACT faci.. *hello ate tish!*
ang saya tumambay sa filipiniana section ng rizal library.. haha.. iyon na ata ang aking magiging bagong "tambayan" sa mga panahon ng aking pag-iisa sa campus.. haha.. (bukod sa may entrance ng Gesu kung saan kinahihiligan kong magsulat sa aking aklat-buhay, habang nagpapakasenti at kinakausap si Lord :D).. nakakaaliw doon dahil hindi maaaring ilabas ang mga aklat, kundi tutunog ang malaking "book-detector" (pauso ng term, LOL).. hahahaha..
yehey, tatambay ako bukas sa org room ng ACMG! 'pagkat Tambay Week na! hahaha.. (may saysay naman ah!).. hahaha..
sige na nga, wala nang saysay ang mga ipinagsusulat (o itinatayp? LOL) ko dito..
hanggang sa muli!
Does anyone still LJ
10 years ago
