Wala lang, kahapon pauwi naisip ko lang na si Sir Vince ang may "kasalanan" kung bakit nasa DS na ako ngayon. Naalala ko noong isang araw nung freshman ako, kinausap niya kaming mga Lit Majors para linawin kung ano ang mga pwede naming gawin sa susunod na mga taon sa Ateneo. Pwede raw kami kumuha ng mga minor para mas malawak ang mapapag-aralan namin (Cultural Heritage and Spanish sounded so nice for me then :) )
Pero yun.
After nung meeting, I stayed behind to talk to him personally. I mentioned that I was scared. I didn't really know how I would do as a Lit Major. My blockmates really knew what they were getting into, pero ako, di ko alam kung ano ang kukunin ko, di ko maintindihan ang mga "lit stuff" haha, tapos medyo feeling OP pa ako.. Anyway. Sir Vince and I talked in his office and explored my options. He asked me what I really wanted to do. He then suggested that maybe I could take Development Studies.
Parang light bulb moment yun. Di ko naisip yun kasi I limited myself to the Humanities courses only, I felt safe there then. Pero siya na mismo nagsabi na baka para roon ako.
Ngayon, isang taon at kalahati na akong DS major. Masasabi ko na para dito nga ako. Maraming pagkakataon na nahihirapan ako, pero naroon yung kagustuhang matuto pa rin. Marami na rin akong nakuha major subjects, at talaga namang nakakakilig kapag naiisip ko kung ano pa ang mga pwedeng mangyari. Sobrang nakikita ko na yung mga konkreto na pwedeng gawin dahil sa mga ginagawa sa majors. Masaya siya, sabi ko nga kay Joy, parang nag-o-org work lang kami, pero mas technical.
Ayun. Para sa mga nais maging Development workers diyan, maski na kumuha lang kayo ng ilang units for your free elective galing sa DS. Sobrang makakatulong. :)
Yihee, sinong excited?
Building linkages. :)