after surviving a week of hell...
ended the school week with a thanksgiving Mass..
realized that we are truly blessed..
and that He blesses us in strange ways..
as Fr. Bob said in his homily,
when we feel bad,kung nahihirapan tayo, we are truly doing God's work. but when we succeed and receive praises from everyone around us, then it is not His work that we are doing..
natamaan ako..
matapos ako magreklamo kahapon sa Kanya dahil sa pagkakagulu-gulo ng mga bagay-bagay,heto ang sinagot Niya..
totoo nga namang ginagawa ko lamang ang trabaho ko. at para kanino nga ba ako nagtatrabaho? hindi ba't ginagawa namin ang mga ito para maibahagi sa iba ang kagandahan ng Misa..
kasama lamang sa trabaho ang mapagalitan/mapagsabihan ng CMO dahil sa hindi pagkakaunawaan sa parte namin at sa nag-sponsor ng Mass kahapon. hindi naman talaga maiiwasan ang miscommunication. nadali rin kami ng "maling akala". dahil sa text na ipinadala sa akin, akala ko naman na ayos na ang lahat. akala ko nagawa na nila ang mga prosesong dapat gawin. pero hindi pala. marahil kasalanan ko rin sapagkat hindi ko naman naitanong kung nagawa na nila ang mga kahingian..
pero nangyari na. tapos na. wala rin namang magagawa ang page-eksplika ko rito.
kasama sa trabaho ang pagkakamali.
natutunan ko naman ang dapat matutunan.
hanggang sa susunod na trabaho.
naging magandang ekspiryensiya ang Mass Awareness Month.
sa susunod po magtatrabaho na lamang ako at hindi magrereklamo, dahil alam ko naman na para rin sa ikabubuti ko ang mga ito.
Does anyone still LJ
10 years ago

