Saturday, September 18, 2004

on happy meals, big brothers, and books..

Saturday, September 18, 2004
ibinili ko si matt ng mga happy meal ng mcdo.. grabe, ang kyut nila! dalawa na ang naibili ko para sa kanya.. yung Snoopy na nakasakay sa airplane at taxi.. kaninang umaga ikinabit ko yung mga sticker.. hehe.. kahapon pagbili ko ng happy meal, sabi nung babae na nagbibigay ng laruan, "miss, siguro paborito niyo si Snoopy 'no?" :)



nagpaka-kuya si james sa akin noong isang linggo.. grabe, ang sweet niya.. noong setyembre 10, nanood kami ng premier ng 13 Going On 30.. dahil super fan ako ni Jennifer Garner, gusto ko talagang panoorin iyon.. kaya't kinulit ko ang aking kuya na gusto ko manood no'n. pinagbigyan naman niya ang aking kahilingan at dinala ako sa premier ng Jam 88.3 sa SM Megamall Cinema 10.. awww.. ang sweet ng kuya ko ano? biruin mo, pinanood niya iyon maski na feeling ko ayaw niya talaga panoorin iyon dahil 'ika nga niya, "Girly-girly yung movie", at talagang hindi iyon ang kanyang mga gustong sine na panoorin..



bumili ako ng dalawang aklat kahapon.. yehey! nadagdagan nanaman ang aking koleksiyon ng mga aklat nina Matute! :) ang mga binili ko ay: May Isang Panahon, at Mga Kislap ng Panulat.. haaaay.. talagang paboritong manunulat ko si Genoveva Edroza-Matute.. isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto ko maging isang guro.. ang isa sa mga pinaka-gusto kong isinulat niya ay ang Kuwento ni Mabuti.. :)

0 comments: