sa paglalakbay sa ating buhay,
marami tayong madaraanang bagay.
maaaring makapagdulot sa atin ng saya,
o hindi nama'y sakit.
may mga bagay na dumarating,
na tila hindi naman natin kakailanganin.
pero lahat ng ito'y dumaraan,
lahat ng ito'y lumilipas--
--lumilipas, ngunit hindi nawawala...
sa paglalakbay sa ating buhay,
maraming kundisyon ang ating mararanasan.
mayroong pagkakataon na lahat tayo ay masaya--
--mataas ang sikat ng araw,
presko ang hanging dumadampi sa atin,
ang lahat ay napupuno ng buhay.
ngunit minsan naman ay hindi maiiwasang
maging malungkot--
--makulimlim ang langit,
mabangis ang hanging tila nagsusumigaw sa galit,
ang lahat ay nangangamba sa maaaring mangyari...
sa paglakbay sa ating buhay,
hindi tayo sigurado sa mga maaaring maganap.
wala tayong mapa na maaaring magpakita ng daan,
hindi natin alam kung kailan bubuhos ang ulan.
maraming pagkakataon na mali ang ating mapupuntahan:
tayo ay madarapa,
mapuputikan,
masusugatan.
ngunit sa pagkadapa'y maaaring tumayo.
ang putik, maaaring hugasan.
ang sugat, maghihilom.
ngunit pakatatandaan:
madilim man ang daan,
parating may magdudulot ng liwanag.
nariyan ang mga bituin,
na magsisilbing ating gabay.
mga munting paalala
na huwag mawawalan ng pag-asa.
sa paglalakbay sa ating buhay,
napakaraming matututunan.
maraming pagdaraanan.
sa paglalakbay sa ating buhay,
malayo pa ang pupuntahan.
sa paglalakbay sa ating buhay...
(first draft dec102005)
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment