update: i found my id. actually, the janitor gave it to me. that's one good thing.
it's been a while since i last wrote in my journal (the notebook). actually even here. haay. =c
sira pa rin yung pc namin. i'm just using kuya james's laptop (na ibabalik na rin niya sa office sa wed). ang hirap ng walang pc!
haay. stress na naman. grabe na.
tapos marami pang nangyayari na minsan nakakainis.
a concrete example?
may mga tao lang kasi na hindi marunong magbigay ng kanilang gratitude. yun bang you gave your time and effort, pero in the end, simpleng "thank you" wala namang maibigay. ayun. nakakawalan lamang talaga ng gana. alam kong hindi ako dapat masyado magpa-apekto, pero sana naman minsan diba? yun na nga lang ang maibabalik sa akin, hindi pa nagawa.
ayun. sana huwag niyo na itong ulitin.
(i mean, sana sa susunod magpasalamat kayo sa mga tumutulong sa inyo. hindi ko alam kung nakalimutan niyo lamang ako, or what, pero sana minsan pansinin niyo naman yung efforts ko. marami pa akong ibang ginagawa, pero i took the time out to help you. kung tutuusin, hindi ko naman talaga trabaho iyan, pero nanghingi kayo ng tulong, at nakita ko rin naman na kailangan niyo talaga ng tulong, pero ano? sa susunod sana wala kayong makalimutang tao, dahil hindi niyo lamang alam kung gaano kasakit ang pakiramdam ng nakalimutan)
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment