Wednesday, August 16, 2006

wyd anniv

Wednesday, August 16, 2006
grabe, isang taon na mula ang world youth day?
naaalala ko pa na sumakay kami ng train para makarating sa dusseldorf para sa WYD celebrations.. tapos ngayon, isang taon na ang nakalipas?

grabe.. ang bilis.

para alalahanin ang experience, at magpasalamat na rin, nag-organize ako ng Mass para sa mga delegates na atenista. (ito yung email sa kanila). sa grupo namin, tatlo lamang kami dahil 'di nakapunta sina cara, kuya mark c., at fr. bobby. mula sa ibang grupo, nag-Mass si CH. :)

haay. :)
natuwa talaga ako nung nakita ko sila ulit. next time mag-oorganize ako ng "big thing" para sa mga delegates. sayang naman kasi yung experience 'diba? chinallenge nga ako ni Sr. Reylie na ituloy. :) bakit hindi? gusto ko kasi mahanap 'yung mga ibang delegates. around campus kasi may mga nakikita akong may mga back pack, id strap, tshirt, etc. na WYD. eh shy ako lapitan sila. hmm. project ko 'yan before the school year ends. ok ba yun?

after ng Mass, Mrs. Nibungco (Gel's Mom) treated us to Max's Katipunan. :) wala lang, natuwa ako.

salamat sa inyong lahat. :)
let's keep the fire that we lit at Marienfeld burning!

0 comments: