Thursday, September 27, 2007

Ang sarap maging Atenista.

Thursday, September 27, 2007
Kahit na sobrang antok ko dahil dalawang oras lang ang tulog ko kagabi (hehe, 2:30am na ako natapos sa theo at thesis kagabi, tapos maaga pa ako dahil may 7:30am make up class kami kay Padre David, aside from our 10:30am class) sobrang nakahanap ako ng energy to shout and cheer for my beloved Ateneo.

Sobrang biglaan ang pagpunta ko sa Araneta, dahil wala naman talaga akong balak manood. Nang kumakain ako ng tanghalian sa Matteo, biglang dumating si Jan na naka-blue. Tinanong ni TJ kung manonood siya, at nung sinabi niyang "Oo" nainggit naman ang Jaymee. Doon ko nalaman na may extra ticket pa sila. Yey. Kaya ayun. Nanood na ako. Oo, alam ko may Theo ako ng 3pm, pero yun. Pinag-isipan ko talaga, at pinili kong manood ng game. :) Kailangan ko rin kasi magsisisigaw hahaha. Ang stress naman kasi ng Philo ko. Nalaman kong may comprehensive orals pala ako dahil lamang sa isang late na di ko naman kabuuang kasalanan. Oh well. Kaya ayun! Sigaw ako nang sigaw sa Araneta.

One Big Fight!

Pero dahil di ako naka-blue, bumili muna ako ng shirt sa A Shop. Oh yes, A Shop. Haha. Ang mahal! Huwag niyo na tanungin kung magkano. Ang masasabi ko lang ay nabawasan na naman ang ipon ko para sa backpack para kay Andoy. Oh well. :) "Ang sarap maging Atenista" shirt, kaso nga lang malaki dahil wala nang ibang size. Ok lang. :b Nakakatawa yung girl na nagtitingin ng mga shirts, sabi niya "Yes, getting suited for the game!" haha.

We met up with Paolo Brazal at Mini Stop to go to Araneta. Yey! :) Masaya ako kahit na GenAd lamang kami dahil ok pa rin naman ang view roon.
Ang sarap mag-cheer.
Ang sarap sumigaw.
Ang sarap tumalon.
Ang sarap pumalakpak.
Ang sarap tumawa.
Ang sarap mangantiyaw.
Ang sarap manood.
Ang sarap makinig.
Ang sarap maghanap ng mga kakilala.
Ang sarap makita at maramdaman ang "school spirit" (ika nga ni Doc Achoot).
Ang sarap kabahan.
Ang sarap kumanta.
Ang sarap ng pakiramdam na kahit di ko naman kilala ang ibang Atenista, naging "isa" kami.
Ang sarap ng feeling nung last seven seconds.

Ang sarap maging Atenista. :)



Salamat, Jan, Paolo, at Clars. Sa Linggo, kami naman ni Johndi manonood. :) Yey. Sana makakuha kami ng tickets.



Back to work! :)

0 comments: