Sunday, January 11, 2009

Ang Tubig ay Buhay

Sunday, January 11, 2009
Naalala ko lang ang mga lesson sa history na ang mga tao ay nagtatayo ng komunidad sa tabi ng katubigan dahil ang tubig ang nagbibigay sa kanila ng buhay. Doon sila kumukuha ng pagkain, doon ang kabuhayan nila, doon din ang transportation nila. Basta maraming nadudulot sa kanila yung tubig.

Tapos naalala ko rin noong nagpracticum ako sa Tabang, yung pinaayos sa akin na article, yung gumawa sila ng water system. Dahil doon sa water system na iyon, ang mga tao ay nabuo rin. Nagtulungan sila at napanatili nila yun. Na-organize ang community dahil sa water.

Tapos noong binaha kami dati rito sa San Juan, naalala ko rin na nagsilabasan ang mga tao sa kalye. Ang mga kapit-bahay ko na never ko nakita ay sa wakas na kita ko rin. Nagkausap-usap dahil sa baha.


Ang galing ng tubig ano? Naisip ko lamang ang lahat ng ito dahil sa Feast of the Lord's Baptism ngayon. :) Ang Tubig ay Buhay.

0 comments: