Kahapon ang last day ng PYC, at successful naman ang Educathon. Ang saya sumigaw ng:
"Pathways are you ready?!"
"Ready!"
"What are we walking for?"
"Education!"
"Educate.."
"..to Liberate!!"
"Education.."
"..is a Right!!"
"Ang EDUKASYON ay KARAPATAN.."
"..KARAPATAN NG MAMAMAYAN!!"
haha, tapos tinanong ako nung isang Pathways Youth Participant, "Ate, aktibista ka ba?" haha, ang biba ko raw kasi sumigaw. Si ate Solvie nga rin ganon din ang reaksyon haha. Tuwing makikita tuloy ako ng mga participant, sinisimulan nila ang pag-chant ulit hehe. :) Ang saya.
Yay for new friends. Si Di ang sweet, nagtext pa siya nang makauwi na sila kagabi sa Bulacan. Ang sarap din makausap nina ate Len, ate Zsa Zsa, ate Rose, at iba pang Pathways staff tungkol sa social development work. :) Nakakarelate ako. Mas naiintindihan ko pa lalo ngayon dahil sa practicum. At si Kuya Nikko! :) hehe, masaya ako pag nakikita ko siya, hehe, ang encouraging kasi.
Sikat na rin si ate Ira kasi lalabas siya sa TV haha. :) Ang galing ng event. Natuwa ako.
Pinipilit ako ni Chris (ANI volunteer, CL) na mag-Pathways volunteer na rin. Tingnan pa natin tho. Sabi ko sa kanya siguradong pag-graduate ko magvovolunteer ako. (hehe, sana may Pathways sa Sorsogon. Sa Naga alam ko meron eh. :)
Sige, matutulog muna ako ulit (kagagaling ko palang sa simbahan).
p.s. I'm proud to say that,
"Nangitim ako hindi dahil sa beach, kun'di dahil sa Educathon!" :)