Sunday, May 13, 2007

courses

Sunday, May 13, 2007
naalala ko itong memory na ito dahil patapos na ako sa aking sideline encoding job for Sir Land--

nung freshman ako, nung lit pa ako, may Lit Welcoming Party kung saan aattend ang mga freshman para magkakila-kilala ang mga Lit majors (hello block b of all batches!). Pinagusapan namin non ang mga bloopers sa kung ano ang akala ng ibang tao ang "Lit Eng." Panalo ang: Literary Engineering.


:) yay for happy memories.

Friday, May 11, 2007

mother and child

Friday, May 11, 2007


Hindi ba't kay sarap hagkan ni bunso na hindi muna iniisip kung paano pakakanin ang susunod?





To learn more about the photo above (especially the beads the child is holding), leave a message.

area!

may bago akong hobby--kumuha ng litrato sa area. ang saya! :) punta nalang kayo sa multiply ko para makita niyo.

Happy Birthday

ate Jaye! :)

Yay. Yun lang actually. hehe. :) Tanda mo na! :)

Thursday, May 10, 2007

the past months

Thursday, May 10, 2007
my life has been revolving around them. And I have felt that I belong. I have felt that this is where I should be. I am happy, even if I still do not understand a lot of things. I am happy, even if I still feel depressed about the things that I cannot tap into. The things that should not be. The things that should be run over by change which for now I still yet do not know where to find.

My life is content here. I have found a home.




But has my heart agreed yet?

buhay

This is not sustainable.

John 15,9-11

As the Father loves me, so I also love you. Remain in my love. If you keep my commandments, you will remain in my love, just as I have kept my Father's commandments and remain in his love. I have told you this so that my joy may be in you and your joy may be complete.

yay

excited na si (ate) Victa sa mission area niya. :) ang galing, magtuturo siya ng english! (haha, may naalala ako). :) haha, yun lang, na-excite ako kasi may iniisip ako kahapon tapos pagbukas ko ng y!m ko ngayon yun ang message. :)

:)

Monday, May 07, 2007

practicum

Monday, May 07, 2007
Kanina nagsimula ang ikalawang practicum ko. Oo, ikalawa na. Ngayon palang ako magsusulat.

Natapos ako sa Tabang Mindanaw, isang programa ng Assisi Development Foundation noon Biyernes. Noong gabi ng last day ko, lumabas kami ng mga ka-opisina kong yuppies. :) Kumain kami ng dinner sa Robinsons, tapos nag-ice cream (libre ko) sa Arce stand. Tapos donuts na libre ni Kuya Jasper (well, dalawa lang naman, yung mga boys lang kumain kasi busog na talaga kami). Dahil sobrang bonding night, sinamahan pa namin si Jed sa kanyang house hunting. Biruin mo nakarating kaming Kapasigan. Nakakatuwa yung taxi driver sabi niya, "mukhang magkakahiwa-hiwalay na kayo ah," kasi yun nga, ang ingay namin, puro kwento, tapos kuha nang kuha ng litrato. Tapos sagot naman si Sherwin na "oo nga po, ayan si Jaymee pupunta na 'yang Australia." Haha, sana nga. Isang taon pa yun, at yun e kung matanggap ako. Nang makarating kami sa Kapasigan, biruin mo sumakay pa kami ng tricycle. Ilan kami? Anim kami sa tricycle. Astig. Matapos ang house hunting, nakasakay kami sa FX na talaga namang pauwi na. Buti nalang mabait si manong at ibinaba pa kami sa Megamall. Ang galing. Dahil mag-mi-meeting pa raw tungkol sa bahay, nag-Timezone pa kami. Dance Mania at Videoke ang pinatulan namin. Ang saya ko non grabe. :) Sinarhan na kami ng Timezone. As in. May kwento pa yun pero tinatamad na ako. Anyway, 1130 ako sinundo. Nagpasundo ako kasi inaantok na ako hehe. :) Tsaka pagod na ako, ang haba nung araw, eh kailangan ko nang matulog dahil may blood test pa ako the day after non.

Tsaka na ako magpost ng pictutres. :) (okay Kuya Jasper?)

Ang ikalawang practicum site ko ay sa Foundation of Our Lady of Peace Mission, Inc. (FOLPMI) sa Paranaque (malapit sa coastal). Yay, actual project management ito. Gagawa ako ng mga project proposal. Tapos pupunta rin daw kami sa actual sites non para mas maintindihan ko (tho sa Zambales lang ata, at di sa Bukidnon muna, sa susunod nalang, less than three weeks lang kasi ako). Excited na ako gumawa ng logframe, gantt chart and everything. :)

Sige matutulog na ako. Malayo ang Paranaque eh.

Thursday, May 03, 2007

wow

Thursday, May 03, 2007
there's such a thing as "Presidential Council for Values Formation"? Astig. Ultimate dream ko magtrabaho sa values formation. :)

will miss people

Last day ko na bukas sa ADF. Sa maiksing pananatili ko roon, napalapit na ako sa mga tao roon. Mami-miss ko sila. :)

Yun lang. :)

Tuesday, May 01, 2007

haha

Tuesday, May 01, 2007
Para akong super hero, may "kuryente" sa mga daliri ko.
HAHAHAHAHAHA.

pero sana mawala na ito. :(