Kanina nagsimula ang ikalawang practicum ko. Oo, ikalawa na. Ngayon palang ako magsusulat.
Natapos ako sa Tabang Mindanaw, isang programa ng Assisi Development Foundation noon Biyernes. Noong gabi ng last day ko, lumabas kami ng mga ka-opisina kong yuppies. :) Kumain kami ng dinner sa Robinsons, tapos nag-ice cream (libre ko) sa Arce stand. Tapos donuts na libre ni Kuya Jasper (well, dalawa lang naman, yung mga boys lang kumain kasi busog na talaga kami). Dahil sobrang bonding night, sinamahan pa namin si Jed sa kanyang house hunting. Biruin mo nakarating kaming Kapasigan. Nakakatuwa yung taxi driver sabi niya, "mukhang magkakahiwa-hiwalay na kayo ah," kasi yun nga, ang ingay namin, puro kwento, tapos kuha nang kuha ng litrato. Tapos sagot naman si Sherwin na "oo nga po, ayan si Jaymee pupunta na 'yang Australia." Haha, sana nga. Isang taon pa yun, at yun e kung matanggap ako. Nang makarating kami sa Kapasigan, biruin mo sumakay pa kami ng tricycle. Ilan kami? Anim kami sa tricycle. Astig. Matapos ang house hunting, nakasakay kami sa FX na talaga namang pauwi na. Buti nalang mabait si manong at ibinaba pa kami sa Megamall. Ang galing. Dahil mag-mi-meeting pa raw tungkol sa bahay, nag-Timezone pa kami. Dance Mania at Videoke ang pinatulan namin. Ang saya ko non grabe. :) Sinarhan na kami ng Timezone. As in. May kwento pa yun pero tinatamad na ako. Anyway, 1130 ako sinundo. Nagpasundo ako kasi inaantok na ako hehe. :) Tsaka pagod na ako, ang haba nung araw, eh kailangan ko nang matulog dahil may blood test pa ako the day after non.
Tsaka na ako magpost ng pictutres. :) (okay Kuya Jasper?)
Ang ikalawang practicum site ko ay sa Foundation of Our Lady of Peace Mission, Inc. (FOLPMI) sa Paranaque (malapit sa coastal). Yay, actual project management ito. Gagawa ako ng mga project proposal. Tapos pupunta rin daw kami sa actual sites non para mas maintindihan ko (tho sa Zambales lang ata, at di sa Bukidnon muna, sa susunod nalang, less than three weeks lang kasi ako). Excited na ako gumawa ng logframe, gantt chart and everything. :)
Sige matutulog na ako. Malayo ang Paranaque eh.
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment