late ako nagising kaya hindi ako nakasama sa pagsimba ng 7am (hindi rin ako nakapag-serve). late ako nagising sapagkat late narin akong pinatulog ni matt noong nakaraang gabi.
binura ko ang mga isinulat ni matt sa pader. naalala ko ang mga sariling isinulat noong bata pa ako. ("pero mommy, paper parin naman ang wallpaper!")
buong araw akong mayroong dysmenorrhea. itinulog ko na lamang ang sakit.
hindi ako nakanood ng SCQReload. (oo na, baduy na ako.)
can we make this work?
nag-jeep ako papuntang St. Francis upang magsimba sa 530pm Mass. mayroon akong nakasabay na magsisimba rin. natutuwa ako sa mga lovers na sabay nagsisimba.
eksaktong 530pm ako nakarating sa simbahan, ngunit second reading na. advanced talaga ang oras sa St. Francis.
jam-packed ang simbahan. ang daming mga bata sa labas ng simbahan. nagtatakbuhan, naglalaro.
nakita ko si ate nelle. sa 630pm siya nagsimba.
pumunta akong shang at mayroong binili sa national bookstore at sa grocery.
nag-jeep muli pauwi. hindi agad pumara ang jeep, nauntog pa pagbaba.
nakatulog sa masters' bedroom, sa gitna pa ng mommy at daddy ko. ang sarap ng feeling.

2 comments:
how about Mr. Bean? aminin na kasi..he..he..miss you
belat.. hanggang sa blog ko ba?? :p mishu too
Post a Comment