hindi ko masyadong nagustuhan ang nstp namin kanina.. hindi dahil sa ayaw ko sa ginawa namin, ngunit nakakaasar ang mga nakasama namin.. bad trip..
kailangan may makausap ako tungkol sa nstp na ito.
dahil din sa nstp, hindi ako nakapasok sa klase ko sa flute kaninang umaga.. isa pang bad trip..
pero hindi puro bad trip ang araw ko.. nag-bonding kami ng block barkada (note: barkada.. hindi kasi nakasama ang mga hindi ka-barkada eh) sa jeep.. saya!
nahuli kami sa Acads GA kanina, sapagkat halos 1330hrs. na nang makarating kami sa ateneo. hindi man lamang tuloy ako nakapag-hi kay bubbles.. oh well.. (hey dear, bonding session ha!).. dadalawa lamang kaming taga-CL kanina, kaya "inampon" muna kami ng Enrichment. masaya naman sa kanila.. kami'y nag-Scavenger Hunt at nanalo ang team ko! woohoo! :) sarap ng prize! asteeg ng mga tanong doon.. binilang namin ang mga aircon sa unang palapag ng kostka, binilang ang mga silid sa ikatlong palapag ng berchmans, binilang ang pews ng Gesu, at ilan pang iba.. matapos ang lahat ng mga demo-teachings ng bawat department, mayroong speaker na nagsalita (labo) tungkol sa Classroom Management, paggawa ng lesson plan at iba pa.. asteeg.
matapos ang Acads GA, nag-bonding session kami ni princess tish. kami'y nag-usap tungkol sa iba't ibang bagay.. tungkol sa buhay, sa sixth sense at ang mga mumu sa buhay ko, sa mga airplane sa airport (?), sa baduy na mga sine (BCUZ OF U), baduy pero cute na mga awitin, si jamie rivera, lauds, masakit na ulo, paracetamol, mumu sa sec c 3/f, maginaw, sir vince, manny dy, mga kapatid, mga magulang, history, pagmamahal, only-child, kalungkutan, Lilo and Stitch, tuition, atm at metrobank, caroling, block b, crush, simbang gabi, text messages sa phone ko(ahem), mga bata, nstp, demo-teaching niya tungkol sa EK, baduy, romantic, natutulog na dahon, star, bazaar, pasko, yung hiningi ko kay santa noong 7y/o ako, at kung anu-ano pa.. basta marami kaming napag-usapan.. actually madaldal lang talaga ako.. hahaha.
pagkatapos, sinabay namin si princess tish hanggang mcdo.
iyon lang yata ang nangyari sa araw na ito.. whew.. nakakapagod pala!
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment