"may gender ba ang pagiging makata?"
iyan ang sabi niya kanina.
hindi ko pa masyadong narinig kung sino ang speaker nung talk na inattendan namin sa Filipino, so hinayaan ko na lamang ang sarili kong mabighani sa kagalingan niya habang binabasa niya ang kanyang mga akda. ang galing niya! pero hindi ko pa rin alam kung sino siya.. so nag-antay na lamang ako. naisip ko, siguro hahanapin ko na lamang sa internet iyong pangalan niya.. tapos noong nagpapasalamat na si ma'am beni.. sabi niya, "...nagpapasalamat kami kay Dr. Mabanglo..." huwaaaat? as in si Ruth Elynia Mabanglo?? iyong may-akda na pinaghirapan kong alalahanin sa buong apat na taon ko sa hayskul dahil tinatanong sa test sa Fil ang "sino ang may-akda ng tulang.."
so natuwa naman ako.. inantay ko siyang matapos makipagusap sa mga VIP friends niya at, parang bata, sabi ko, "Ma'am, pwede po magpa-autograph?" :) ang cute ko! hahahaha! tapos ang saya-saya ko!! sa lahat ng mga friends na nakakasalubong ko, ipinagmamalaki ko na may autograph ako ni Ruth Mabanglo!! :) yay. (though hindi nila siya kilala.. nalulungkot ako!! hindi niyo ba siya pinagaralan sa Fil??)
sige, iyon lang. kailangan ko nang matulog. salamat sa pagbabasa.
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment