Thursday, July 07, 2005

Prayer Power

Thursday, July 07, 2005
lahat naman ng tao may STAND tungkol sa nangyayari.
tapos either RESIGN or IMPEACH or whatever.

pero ano naman ang mangyayari pagkatapos?
kung mag-RESIGN nga siya o mapatalsik sa puwesto, ano na?
masaya ka na ba kung masunod ang STAND mo?
naisip mo na ba kung ano ang maaaring mangyari kapag mayroon nang desisyon?

sabi nga nila, kung wala na tayong masyadong magagawa, ipagdasal na lamang natin ang mga may magagawa na mabuksan ang kanilang mga isip. ipagdasal na lamang natin na sana ang mga manyayari ay makakabuti sa ating lahat, at hindi magdadala ng kaguluhan sa atin.

ipagdasal din natin ang ating mga kababayan. sana huwag silang mawawalan ng pag-asa sa ating bansa. sana hindi sila mangibang-bansa dahil lamang ang paniniwala nila ay wala nang ikauunlad ang Pilipinas.

ang lahat ng ito ay para sa ating kinabukasan.

naniniwala ako...may patutunguhan ang ating minamahal na bansa.

~*~*~*~*~*~*~*~

Vigil and Masses at the Church of the Gesù
5:00-6:00p Vigil
6:00-7:00p Mass

(TTh 515 Masses at the college chapel for the whole of July are cancelled)

0 comments: