Wednesday, August 03, 2005

section forty

Wednesday, August 03, 2005
section 40!

naka-senti mode ako ngayon, kaya
magsusulat ako ng testi for my beloved
section..

sa section na ito, marami akong
natutunan.. alam na ng lahat na KAMI
ang pinakamagaling sa buong batch (go
40!) kung paguusapan ang acads,
intrams, pero hindi sa Classroom
Improvement Program. hehe. maraming
pinagdaanan ang grupong ito.. una sa
lahat, ay ang pagkakaiba-iba ng mga
estudyante. dahil pinaghalong 30 at 31
ang bumubuo sa 40, hindi naiwasang
magkaroon ng hidwaan noong simula.
naging isang grupo ang galing sa 30, at
ganoon din ang nangyari sa 31.. pero
pinaglaunan, nalampasan na rin namin
ang suliraning iyon. kami ay naging
ISANG section.. isang PAMILYA.

ang mga proyekto sa CVE, lalo na ang
mga Para-Liturgy at ang napaka-
memorable at nakakaiyak na Class
Mass ay nakapagturo sa akin (at sana
sa ating lahat) ng mga bagay na
talagang dadalhin ko sa aking puso.
natutunan ko ang importansya ng
pagiging isa, ang pagmamahal sa ating
kapwa maski na tayong lahat ay may
pagkakaiba-iba sa paniniwala.

sa section 40, naramdaman ko na
tanggap ako. magkakapamilya (o
MAGKAKAPUSO) nga kaming tunay.

I MISS YOU ALL!! >:D<

magkikita-kita tayong muli.

nahanap ko sa friendster. sinulat ko para sa 4th year high section ko. can't remember when.

0 comments: