pumedal ako nang mabilis na mabilis. ang sarap ng hangin, maski na napakainit ng sikat ng araw. wala akong pakialam maski na tinitingnan ako ng mga tao habang nagbibisikleta ako paikut-ikot sa college lane kaninang 4 ng hapon. pumedal lamang ako, hanggang sa maubos ang galit na nararamdaman ko.
tama si ate rina, nakagagaan nga ng loob iyon. medyo binago ko lamang ang payo niya, imbis na tumakbo ng mabilis sa ateneo, nagbisikleta ako.
at one point, napangiti ako sa nararamdaman ko. natuwa ako na nakapagbisikleta ako ulit, pagkatapos ng maraming taon. natuwa ako na ang bilis bilis ng takbo ng bike. natuwa ako sa pakiramdam ng mga lubak sa college lane, sa patag na aspalto ng ilang parte nito, at sa mga perpektong humps. ang sarap ng pakiramdam tuwing makakarating ako sa U-turn sa may Schmitt, at ang napakabilis na takbo pababa sa blind corner. ang sarap na habang dumarating ang pagod, nawawala naman ang galit.
hay. it's just a matter of channeling my feelings. i shall stop typing now, at maselan na bagay na iyon. basta ang importante lamang sa nangyari kanina ay nawala ang galit ko, at nasiyahan ako.
maganda ito. this is a development.
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment