Monday, December 10, 2007

Maging Akin Muli

Monday, December 10, 2007
Maging Akin Muli
- Arnel Aquino, SJ

Manlaming man sa Akin
puso mong maramdamin,
Lisanin man ang tuwa puso mong namamanglaw,
Manginig man sa takot masindakin mong puso,
Mag-ulap man sa lungkot
diwa mong mapag-imbot.

Kapiling mo Akong laging naghihintay
sa tanging tawag mo.
Pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko.
Sa'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo.
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli.

Di mo rin akalain tinig mo'y hanap Ko rin,
Ang 'yong tuwa at sakit Aking galak at pait.
Kung lingid pa sa iyo Aking pakikiloob,
Tuklasin mong totoo tunay mong pagkatao.

0 comments: