nagsimula ang araw ko sa pag-cram ng history pointers ko dahil may Long Exam ako ng 1030am. Medyo mainit ulo ko dahil di pa ako tapos mag-aral. Haha. Nakatulog kasi ako nung gabi. Mga 1015am ay nasa Trike Station palang ako sa Mini Stop kaya mas stress haha. Nakarating naman ako sa classroom ng ~1026 kaya ayos. Confident naman noong binigay ang test paper, kaso nga lang biglang kainis kasi blessing pala ng JSEC kaya di kami maka-concentrate sa aming test haha. Samahan mo pa ng pagkanta ng Ama Namin. Good luck naman sa akin habang sinusulat ko ang essay ko. :) Ansaya! Natapos ko naman ang exam ko, pero di ko alam ang lahat ng sagot sa mod true or false, pero ayos lang sa akin yun. Masaya ako sa sagot ko sa essay. :)
After nun, work work work naman for our research sa DS120. Grabehan. Phone brigade to the different companies, pero ayun dahil di kami makagamit ng phone sa dept, pisu-piso kami sa payphone. Ang saya diba? Kaya ayun, sa mga susunod na tatakbo, magandang proyekto ang magprovide ng telephone lines for outside calls to be used for academic purposes. :b After phone brigade, faxing the letters naman. Di na naman kami makagamit sa dept kaya ayun, sa polsci kami naki-fax hehe. :) Buti nalang friendships namin si ate Sally at ang mga polsci teachers haha. Kaya ayun, as thank you kay ate Sally binigay ko nalang sa kanya yung rose ko. Haha. Ayos lang yun, napasaya na ako nung flower.
Tapos, tapos, tapos sumama ako sa Block Valentine's Date! :) Yay. We went to Eastwood to watch a movie and eat at Fazoli's. :) We watched Music and Lyrics. :) Lima lang kami kasi may mga class ang iba. Ang nakasama ay: Corina, Cai, She, and Gino. :) Ayun. Ang saya.
Sige, susulat ko pa ang paper ko. :)
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment