Friday, February 16, 2007

science

Friday, February 16, 2007
dear Ate Jaye,

mahilig ka rin ba sa science? kasi yung mga pinapadala mo sa aking articles ay puro tungkol sa science. :) Nakakatuwa lang kasi yan ang mga type kong basahin. Hehe. Yay, magkapatid nga tayo! :) bumili ako ng libro, mga two or three weeks ago--Science Solitaire. ang galing. parang yung mga pinadadala mong articles. pag nakaipon na ako bibili kita nung libro tapos ipapadala ko sa'yo via ewan. :b oh well, malapit din naman kasi ang science sa math haha. naalala mo pa ba yung mga science contests na sinasalihan ko nung bata ako? :) hehe. yung mga quiz bee, na hindi ko maalala kung ever na nanalo ako. :-s tapos nung high school na ako, MedSci naman ako haha. Ang cute pala nating magkakapatid, nasubukan ang lahat. Ikaw physical science, si Kuya liacomm (tama ba?). haha, astig. At least di nagsawa sa atin yung mga teachers na pare-pareho haha.

Sige, papasok pa ako (kahit na wala akong pasok groupwork lang waah!). :)

Love!

your little sister,
jaymee :b


(oo, public na sulat, ansaya diba?)

0 comments: