Saturday, February 17, 2007

teams

Saturday, February 17, 2007
Dear Lord,

di ko po alam kung ano ang tinuturo Niyo sa akin dito. Lalo na't coming from the context ng realization nung Prep. Hindi ko po alam kung tama ang desisyon ko na mag-yes sa offer nila. Hanggang ngayon iniisip ko tuloy, "naku, tama ba?" Marahil may pagdududa dahil hindi ko pa tuluyang naiintindihan kung ano ito. Di bale, sa Lunes mas malinaw na. Haha, Lord. Samahan Mo ako ha. Haha, impulsive ba? In fairness ha, nagustuhan ko kasi ang aspeto ng ek-ek
(haha, oo ganito ako makipag-usap sa Diyos ko) na sinabi niya. Pero yun. Medyo nakakatakot. Haha, pero heto na naman tayo, sasabihin Mo na huwag ako matakot. Gamitin pa raw ba si *ahem* para batukan ako tungkol roon.

Ay siya, di pa pala tapos ang papel ko. Hindi ko pa po masasabi na at peace ako sa desisyon na iyon. Haha, di ko pa nga alam kung ano eh. Pero salamat sa pagkakataon. :)

Yay. Good morning.

0 comments: