Wednesday, July 02, 2008

Daanan

Wednesday, July 02, 2008
Kagabi sabay kami ni Reg sa tren sapagkat nanggaling kami sa isang meeting. May programa ang Instituto Cervantes kung saan naglagay sila ng mga tula na nakasulat sa Español at Filipino sa loob ng tren. Para raw ipalaganap ang love for reading. Parang ganoon.

Ang tula na nasa harap namin ay tungkol sa mga dumaraan at dumaan na iniwan tayo. Sinasabi rin doon na sa pagdaan natin, gumagawa tayo ng mga daanan. Sa kaunting panahon na naroon kami sa loob ng tren, ipinaliwanag ko kay Reg ang aking pagkakaintindi sa tulang iyon.

Ang lahat ay dumaraan at gumagawa ng daanan. Daanan na maaaring daanan ng iba.

Kinakailangan kong bumitaw. At sa aking pagkahiwalay, doon lamang ako makakagawa ng sarili kong mga daanan.

0 comments: