Wednesday, July 16, 2008

This is the Birthday Entry

Wednesday, July 16, 2008
Dahil nawalan kami ng internet sa bahay, ngayon palang ako makakapagsulat ng "birthday entry" haha, ang sabaw ng tawag. Hayaan niyo na. Walang aangal, blog ko ito.

Anyway.

Gusto ko lang ikuwento ang ISEW, ang TA play, ang birthday day, Convocation, etc.

Hm.

Noong Biyernes hanggang Sabado, nasa ISEW for new non-teaching staff kami ni partner King. Sa Pollock lamang ginawa kasi kaunti lamang naman kami eh. Kaya yun. Maganda naman. Natuwa ako. Para siyang InTACT na para sa bagong non-teaching staff. I was refreshed on the different Jesuit and Ignatian matters. I was reminded of "the Ateneo way," and yun. Parang mahihirapan na ako umalis sa sistema ng Ateneo kung sakaling ma-permanent ako doon. Exagge ang pag-brainwash sa amin. Hahaha. Pero yun, sobrang galing, napabilib talaga ako. Noong ikalawang araw, tinapos namin ang araw with a Mass. Ayun. Sobrang ganda ng Misa. :) Hehe, ako pa nagbasa. :) Ay, at tsaka the group grilled me in front of Fr. Ben. Hahaha. Haynaku. They gave me a cake din pala. Ang saya ng birthday ko no? Dami ko nga raw pakain eh. Hehe.

Pagkatapos ng ISEW, bumalik kami ni King sa office. Nagmakaawa kasi eh. Ayun. Palpak naman siya magsinungaling. Pero yun. Pagdating sa office, sinorpresa ako ng Pathways Volunteers ko. :) Yey. They gave me a cake! And they had "banners" hehehe. :) Ang cute nila. Ang sweet. Biruin mo, I think they've only known me for a little less than two months, pero they did that for me! Nobody ever gave me a surprise before. Kaya yun, sobrang na-touch ako sa efforts nila. Yey for PVolt. Super Love ko sila! :) Ang hardworkers pa talaga nila. Kita mo ang commitment nila eh. Biruin mo, they give up their Saturdays?! Wow talaga. That's what you call commitment. :)

Yung play naman ng TA, nanood ako nung Friday. Kasama ko si Lilac kasi di ako pwede nung nanood ang officemates ko the night before. Ayun. I promised my alaga MonQue kasi that I'll watch (alam naman ng lahat na sobrang spoiled sa akin ng aking mga DS kiddies.. kita mo nga ang DevSoc GA this year! :P pero sikret ko nalang yun with the EB :P). :) Ang galing nung play. :) Yey. Hehe, bagong hobby ko na ito eh. Manood ng play. Tho matagal naman na akong ganto (last year I watched Tanikalang Guinto kahit na di required--well, dahil din naman kasi sa mga alaga kong sina Cam at Princess pala) this year kakaririn ko na. Next week Tarong naman. Haha, Enta play naman! (oo, kailangan sabihin ang "Enta")

Yung birthday, masasabi ko lang na maraming fuud. Haha. At marami ring cake. Haha. Kasi nga diba, may leftover from the cake from OMIOD, then the cake from PVolt, then pag-uwi ko may Goldilocks, Red Ribbon, at syempre, Estrel's cake pa. Haha. Cake galore.

Can I just say, na ang sabaw na nito..

Which brings me to the next point. Ang sabaw ng speech ng grand-aunt ko sa Convocation kahapon. Hahaha. Nuff said. Ayun. Pero naaliw ako. :) Proud apo. Sobrang inspired ako maging tulad niya. :) At na-inspire din ako kay Doc Hof. :) Yey. Ang galing galing galing nilang lahat.


Well, yun lang.

Ayoko na, inaantok na ako. :)

0 comments: