Finally. :)
Apat na taon ng pag-aaral.
Apat na taon ng pag-o-org.
Apat na taon na puno ng hirap, puyatan, sakit, pagkainis, pagkabagot, pagkapikon, at mga iba pang ewan.
Apat na taon na puno ng pagkakaibigan, tambayan, pagsasamahan, pag-aasaran, at pagmamahalan.
Sa wakas.
Tapos na tayo.
Sa apat na taon na iyon, tila kay ikli lamang, pero marami na rin ang napagsamahan.
Sana kahit tapos na ang yugtong ito, ang pagkakaibigan naman natin ay hinding-hindi matatapos.
Para sa aking Block JJ 2008.
Patuloy lamang sa paggawa ng mabuti.
Alalahanin ang lahat ng natutuhan sa Ateneo.
Kung mapagod man, alalahanin na sa apat na taon sa kolehiyo, mayroong pamilyang nabuo sa atin.
Mag-email, mag-text, o mag-Multiply (o kung Facebook, ayos lang din).
Suportahan tayo.
Basta sige lang, kaya natin 'to.
Ipakita sa mundo kung sino tayo.
Ngunit manatiling nakatuntong sa lupa.
At huwag kalilimutang tumawag sa Kanya.
Para sa aking Block JJ 2008.
Mag-iingat kayo.
Mahal ko kayong lahat.
Keep in touch. :)
Does anyone still LJ
10 years ago

0 comments:
Post a Comment